God is not done with me yet.
I'm still a work in progress... so, yeah, read with caution. haha!
mopper
Wednesday, October 27, 2010
isang malupit na byahe.
mga nakasama ko sa byahe from Tacurong to Davao...
1) si First Honor Kuya
- Siya yung first na sumakay ng van. First seat sa front seat. Siya din yung unang bumaba.
2) si Ms. Aircon.
- Laging kinukulikot ang aircon. Lahat ata ng aircon naka-focus sa kanya, walang paki kung naiinitan na ang mga tao sa likod ng van. Galing siguro ng North Pole, di sanay sa Pilipinas, naiinitan.
3) si Maam Nesgosyo.
- Laging me kinakausap sa phone, kinakamusta ang mga sales nya. Ok lang naman yun, pero sa lakas ba naman ng boses nya, mahihiya ka nang magsalita.
4) si Manong Balikbayan.
- May malaking bag, maraming karton, naka cap, maong pants at ang pinaka-malaking ibedensya, maong jacket.Kung di yun balik-bayan, malamang bilibid.
5) si Dodong Patisoy.
- Laging hawak ang buhok. Mayat-maya inaayus. Parang si samson na ang lakas nya nakasalalay sa buhok. (note: di ito dahil nagseselos ako dahil wala akong buhok, kahit gaanu pa ito kalapit sa katotohanan haha)
6&7) si Bother Hubby at si Sister Wife.
- Umulan man o uminit, laging magkadikit. Basta masingot lang ang kili-kili ni hubby, ok na si ate.
8) si Invisible Ate.
- Di ko nga maalala kung anong itsura nya, basta ang alam ko lang me tao na naka pwesto dun banda.
9) si Kuya na magaling mag tounges.
- Laging me tumatawag at kumakausap sa kanya sa phone, di naman namin naiintindihan ang sinasabi nya, nakakatakot nga eh.
10) si Brother Singit
- Singit lang kasi sya, dapat kasi tatluhan lang sa van, pero pinilit para makasama lang kaya yun wala syang sandalan sa likod, naka yuko sya the whole trip. Tiningnan ko nga pagbaba namin, baka nakuba na.
11) si Sleeping Beauty
- Tulog nang tulog. Wala syang paki-alam kung naka-sandal na sya sa shoulder ng katabi nya, na hindi naman nya kilala, basta ang sa kanya lang, makatulog sya.
12) si Mr. Dj
- Sinabit ang erickson phone sa handle bar at nagpatugtug ng music (di naman masyadong malakas, naka full lang naman ang volume, akala ko nga nung una eh, music talaga sa van haha). Ang music? Song ni Jolina.
13) si Madamme Techy
- Me tatlong cellphone, at di basta-bastang cellphone, latest models. Me laptop, at me dala-dalang LCD projector. Me ari siguro ng CDR Queen.
14) at si Mamang Driver.
- Boring kasama, wala nang ibang inatupag kundi ang pagdadrive.
--------------------------------------
Iba-iba man ang aming pinanggalingan, ugali at pananaw sa buhay, nakuha naman naming mamuhay, magbayhe ng tahimik (uhm, sige, maingay ng konti yung music) at dumating sa paroroonan ng matiwasay.
Leksyun?
"Hindi dahilan ng pag-aaway ang pagkaka-iba kundi ang di pagrespeto sa paniniwala at pagkaka-iba ng bawat-isa."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment